Herlene Budol Sinabing Hindi Siya Nababagay na Sumali sa Ms. Universe!

Biyernes, Enero 20, 2023

/ by Lovely


Isiniwalat ng Bb. Pilipinas 2022 First runner up na si Herlene Nicole Budol na hindi siya sasali sa Ms. Universe pageant dahil hindi umano siya nababagay roon.

Sa naging Facebook post ni Herlene Budol kung saan ipinahayag niya angkanyang mensahe sa ipinadalang kandidata ng bansa para sa Ms. Universe na si Celeste Cortesi. Bagama't hindi nakapasok sa Top 16 semi finalist si Celeste ipinakita pa rin ni Herlene ang kanyang paghanga rito.

Samantala, may ilang netizens naman na nagsabing dapat ay sumali rin siya sa Ms. Universe. May nagsabi pang kung sana si Herlene ang isinabak sa Miss Universe ay baka umabot pa ito sa top 5.

Agad naman itong sinagot ni Herlene at sinabing bobo siya at malabong makapasok sa top 16. Sa mga nag-uudyok naman sumali siya sa Miss Universe ngayon taon, sinagot niyang huwag nang ipilit pa dahil hindi siya nababagay sa Miss Universe at hanggang bardagulan lamang.

"Wag nating ipilit di tayo pang MU pang bardagulan lang tayo. Don tayo sa kung saan lang tayo bagay. Ano sa tingin nyo?"

"Tinuruan kase ako nung elementary pako 

Honesty is the best policy.

Para di masyado masakit dapat alam mo na," pahayag naman ni Herlene sa isang Facebook post hinggil sa pagiging sa pangre-realtalk niya sa kanyang sarli.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo