Ice Seguerra May Hugot sa Hindi Pagtanggap ng Bansa sa mga Transgender!

Huwebes, Enero 5, 2023

/ by Lovely


Sa ngayon ay hindi pa naaasikaso nina Ice Seguerra at Liza Diño ang matagal na nilang pinaplanong magkaanak sa pamamagitan ng IVF (in vitro fertilization). 

Kaya naman sa ngayon ay ibang “baby” muna ang aalagaan at palalakihin ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza, ang itinatag nilang production company na Fire and Ice na siyang nag-produce at nangasiwa sa awards night ng 5th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Kamakailan ay nagpa-thanksgiving ang celebrity couple sa ilang members ng entertainment press kasabay ng announcement ng ilan sa kanilang mga projects ngayong 2023.

Sa naganap na presscon, naitanong kina Liza at Ice kung ano na ang status ng plano nilang magka-baby. Dito na nga nagbahagi ang OPM icon at singer-songwriter ng mga detalye about IVF.

“Actually kaya kami masipag gumagawa ng shows kasi mahal dito sa Pilipinas number one and number two, hindi lang mahal but the laws doesn’t really support couples like us na magkaroon ng baby dito. Number one, if there was to have an IVF it’s not even bawal, it’s unethical  because of course hindi kami kinikilalang mag-asawa dito sa Pilipinas so that already is a big issue.

Number two, kapag ipinanganak yung anak namin sa Pilipinas, sino ang kikilalaning magulang? Ako o si Liza? Hindi puwedeng kaming dalawa, ‘di ba?” pagbabahagi ng singer-actor.

Ipinahayag pa ni Ice, ang pagiging unfair ng batas dito sa Pilipinas para sa kanilang transgender na nagpakasal sa Amerika.

“So what we have now, the lack of laws for the community is very, very unfair. And sa totoo lang nakakagalit kasi we established that we can actually have a happy home.

“We have a daughter that we are raising together. So bakit hindi pa rin kami ma-recognize na kaya namin maging magulang? Just because I’m transman that means I can’t be a parent?" pahayag pa ni Ice.

“So yeah, it’s disappointing, it’s sad, it’s disheartening that until now nangyayari pa rin yun and marami pa ring hindi mabuong pamilya daahil sa kakulangan ng batas natin,” dagdag pa ni Ice.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo