Nagbigay din ng sariling saloobin ang may edad nang mamamahayag na si Jay Sonya, patungkol sa mga maaring dahilan ng pagkabigo ni Celeste Cortesi sa naganap na Miss Universe 2022 pageant na ginanap sa New Orleans.
Bagaman marami ang may gusto sa hindi pangkaraniwang kagandahan ni Celeste lalo pa’t makikita sa katawan nito ang ilang mga tattoo, hindi pa rin maiiwasan ang ilang mga taong sobrang conservative. May mga tao pa rin sa kasalukuyan na iba ang pananaw sa pagpapatattoo sa katawan lalong-lalo na sa mga babae.
Isa ang beteranong mamahayag na si Jay Sonza sa mga personalidad na naniniwalang malas ang dala ng mga tattoo sa mga beauty contest.
“Kung lalahok ka sa anumang beaucon, tiyakin mong wala kang tato ng malunggay sa singit. Mamalasin ka. Pramis,” pahayag nito sa kabnyang Facebook post.
Matatandaan noong preliminary round ng Miss Universe, confident na ibinalandra ni Celeste ang ilan sa kaniyang mga tattoo kabilang na ang nasa bandang singit at side hip.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, may walong tattoo si Celeste na may mga malalalim na kahulugan para sa beauty queen. Kabilang dito ang inisyal ng kaniyang namayapang ama, kaniyang alagang aso at petsa ng kaarawan bukod sa iba pa.
Maging ang pagsusuot ni Celeste Cortesi ng Darna costume bilang NatCos ay binatikos din nito.
“Parang hindi yata ako na-inform na ‘national costume’ na ang salawal, salong-dibdib at korona ni Darna,” rant ni Jay sa kanyang social media matapos ang prelims.
Binalaan din niya ang susunod na magiging kandidata ng bansa na huwag magsuot ng panty at bra saka headband ni Darna bilang National Costume.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!