Inamin ng award-winning singer-performer na si Jed Madela na totoong naisip niyang ihinto n a ang kanyang showbiz career dahil feeling niya ay hindi na siya kailangan sa industriya.
Nararamdaman umano ni Jed Madela na tila hindi na siya kailangan sa industriya at nauungusan na ng mga naglabasang bagong singer. Pakiramdam umano niya ay naiischapwera na siya at wala nang naghahanap ng kanyang music.
“There are times pag may bago nang artist na dumating, everybody goes crazy over that artist, and then nasa-shove aside ako, or feeling ko lang,” pag-amin ni Jed Madela.
“Minsan parang kinukuwestiyon ko ang sarili ko na, ‘Is it still worth it to stay and keep singing?’ na mukhang wala naman, e, wala namang pumapansin. Na parang mas pinapansin na nila yung mas bata, mga bago,” dagdag pang pag-amin ni Jed.
Tila mas lumaki pa umano ang kanyang insecurities dahil mas tinatawag na umano ang mga pangalan ng bagong singer at feeling niya walang nang naghahanap sa kanya.
“Siguro kahit tanungin ko yung sarili ko na may pagkukulang ba ako, feeling ko wala rin. Kasi lahat ng hinihingi nila, ibinibigay ko naman, na pag sinabing, ‘Jed, kanta ka naman dito,’ ‘Jed, tulungan mo naman kami dito.’ Go! And then there were times naman na bigla na lang I didn’t hear anybody call my name, or call me, or ask for me. So, du’n na ako nagkuwestiyon na parang, ‘Ano ba? Itutuloy ko pa ba to o tama na?’"
Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ni Jed Madela sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya. Katunayan, magkakaroon din siya ng anniversary concert sa taong ito. Nais din niyang magturo ng mga bagong artists bilang National Director ng World Championships of Performing Arts ng bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!