Jhong Hilario Sinugod Sa Hospital Si Baby Sarina!

Martes, Enero 17, 2023

/ by Lovely


Marami ang natutuwa sa muling pagbabalik ni Vhong Navarro sa noontime show na It's Showtime kahapon, matapos ang ilang buwan na pagkakatigil nito dahil sa mga isinampang kaso ni Deniece Cornejo.

Subalit, nagtataka ang mga madlang pipol dahil hindi nila nakita ang isa sa matalik na kaibigan ni Vhong na kasamahan niya rin bilang host, na si Jhong Hilario.

Marami ang naghahanap rito dahil ito na ang araw na inaabangan ng lahat, ang muling pagbabalik ni Vhong Navarro.

Hindi pala nakapasok si Jhong Hilario dahil labis siyang nag-alala sa kanyang anak na si Sarina dahil isinugod ito sa hospital. Ibinahagi ito mismo ng partner ni Jhong Hilario.

Ayon sa kanya, isinugod nila si Sarina sa hospital dahil sa mataas na lagnat nito.

"My brave little girl! 💜🙏🏼 We thought she just had an extended common cold and cough but the high fever for more than a week had us concerned. Thank God they already have the biofire test in the Philippines which detected Respiratory Syncytial Virus or RSV in Sari. RSV is common among kids. It manifests as a cold but can end up with bronchitis or pneumonia. After 2 nights in the hospital, Sarina is now back to her old self and is recovering at home."

Bagama't nakalabas na sa hospital si Baby Zarina at kasalukuyan nang nagpapagaling, tila hindi pa rin ito maiwan-iwan ng amang si Jhong Hilario dala ng labis na pag-aalala.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo