Joaquin Domagoso Hindi Pa Pakakasalan Si Raffa Castro Hindi Sapat Na Rason Ang Pagkakaroon Ng Anak!

Linggo, Enero 1, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag ng award-winning Kapuso actor na si Joaquin Domagoso ang tatanungin, hindi pa raw siya handang magpakasal.

Kahit daw nagkaroon na siya ng anak sa murang edad, naniniwala siya na hindi ito sapat na rason para pakasalan niya agad-agad ang partner niyang si Raffa Castro.

Nagsasama na sa isang bubong sina Joaquin at Raffa at desidido silang alagaan at palakihin ang anak nila nang magkasama para habang lumalaki ang bata ay buong-buo ang kanilang pamilya.

Sa presscon ng pelikula niyang “That Boy In The Dark” ipinahayag ni Joaquin tungkol sa pagiging batang ama. Aniya, challenging pero masaya at masarap ang maging tatay.

Subalit, nang tinanong si Joaquin kung handa na ba siyang magpakasal ay kaagad siyang umiling.

“Wala pa akong pera! Kailangan ko pa ng pera. Ipon pa. Hindi siya mahirap. Yung mahirap is yung pagiging parent. Yung job, you won’t even think about that. When you get there, you drop everything. Mahirap siya kasi iba na yung feelings ko. Pero life is going great kasi masaya. Not everybody gets it. Only when you’re there," pahayag ng aktor.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo