Joey De Leon, Sinabing Naiinggit Lamang Ang mga Nambash Kay Alex Gonzaga!

Biyernes, Enero 20, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng saloobin si Joey de Leon sa pamamagitan ng kanyang Instagram account para ibahagi ang kanyang opinyon sa mga taong gumugugol ng maraming oras sa pang-bash at pambabatikos sa iba sa social media.

Nagtanong ang “Eat Bulaga” host tungkol sa common trait na makikita sa mga bashers bukod sa gusto nilang punahin ang iba.

Bina-bash ng sikat na komedyante ang mga bashers, sinasabing ang kanilang online behavior ay dala ng inggit. 

Talamak ngayon ang online bashing at mainit na paksa online ang ginawang pambabastos ng actress, TV Host vlogger na si Alex Gonzaga sa waiter na nagsilbi sa kanila habang pinagdidiriwang ang kaarawan nito.

“Anong meron ang isang basher bukod sa giting o tapang para manira o mamuna ng ibang tao? Ang sagot, halu-haluin niyo ang mga letra ng salitang giting at makukuha niyo ang salitang inggit,” pahayag ni Joey De Leon.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo