Julia Baretto at Mga Kapatid Niya, Muling Denidma Ang Amang Si Dennis Padilla!

Martes, Enero 3, 2023

/ by Lovely


Hindi pa rin umepekto sa mga anak ni Dennis Padilla kay Marejorie Barretto na sina Claudia, Dani, Julia at Leon Barretto ang mensaheng ipinahayag nito noong Bagong Taon.

Tila hindi man lang ito nakarating sa kanila at hindi man lang binati ang ama sa mga nagdaang okasyon.

Samantala, patuloy pa ring pinapayuhan ng ilang mga netizens na tumigil na si Dennis sa pagpaparinig sa kanyang mga anak through social media, ay sumige pa rin ito. Tila ito na lamang ang nakikita nitong paraan upang makarating sa kanyang mga anak ang kanyang nararamdaman.

Subalit, tila hindi pa rin kumukupas ang tampo ng mga anak dahil patuloy pa rin nilang dinededma ang kanilang ama. Kahit ano pang pagpaparinig na ginagawa niya sa kanyang social media post

Makikita sa Instagram accounts ng mga anak ni Dennis na masaya silang nagdiriwang ng pasko at bagong taon na magkasama. Tila tuluyan na nga nilang kinalimutan ang ama na patuloy pa ring naghahangad ng kahit simpleng pagbati.

Matatandaang, usap-usapan noon ang post ni Dennis Padilla kung saan ipinabatid niya sa kanyang mga anak na nalimutan siyang batiin ng mga ito noong Father's Day.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo