Kapuso Aktres-Talo Daw Nya Sa Pag-Arte Si Judy Ann Santos?

Linggo, Enero 22, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa social media ang isang post ng Kapuso Fan kung saan pinagkukumpara nito ang pag-arte ng Kapuso Actress na si Julie Anne San Jose sa Kapamilya actress na si Judy Ann Santos.

Ayon sa post ng nasabing fan, mas magaling umanong umarte si Julie Anne San Jose kaysa kay Judy Ann Santos.

"Grabe walang sinabi si Mara- Judy Ann Santos kay Maria Clara- Julie Anne San Jose. Si Juday magaling lumuha pero hindi nakakadala. Si Julie Anne tagos bawat salita! Napakahusay!"

Subalit kaagad itong kinuntra ng Kapuso actress at sinabing, wala itong katotohanan. Dagdag pa umano ni Julie Anne na marami pa siyang kailangang matutunan.

"Hello po, hindi po totoo ito. I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako, at  mmarami pa po ako kakaining bigas, itigil na po natin ito salamat."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo