Karla Estrada Nagbigay na Reaksyon sa Pambabatikos na Kinakaharap ni Alex Gonzaga!

Biyernes, Enero 20, 2023

/ by Lovely


Si Karla Estrada naman ang nagbigay ng kanyang saloobin hinggil sa pambabatikos na natanggap ni Alex Gonzaga, matapos ang kanyang birthday celebration.

Ipinahayag ni Karla Estrada at ibinahagi ang kanyang mga saloobin tungkol sa buhay, at pagiging produktibo sa isang Facebook post.

Pinag-isipan niya kung anong magagandang bagay ang dapat gawin para sa Diyos, para sa sarili, at para sa pamilya.

"Äno kaya ang magandang gawin natin today? Para maging productive tayo para sa DIYOS, sarili at pamilya!"

Binigyang-diin din niya na ayaw niyang mabuhay sa galit, lalo na kung ibang tao ang may kasalanan.

Sinabi pa niyang, lilinisin niya muna ang kanyang bakod bago tingnan kung malinis ba ang bakod ng iba.

"Basta ako, ayoko mabuhay sa poot lalo na kung ibang tao ang may sala! Araw-araw kong lilinisin ang basura sa bakuran ko bago ako magmalinis sa tingin ng iba."

Hindi man diretsahang binanggit ni Karla Estrada, subalit malakas ang paniniwala ng ilang mga netizens na may kinalaman ang isyung kinakaharap ngayon ni Alex Gonzaga sa mga naging pahayag ng ina ni Daniel Padilla.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo