Kat Alano Muling Bumanat, Kakanselin Dahil sa Cake Pero Hindi sa R@pe!

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang ibinahaging tweet ni Kat Alano, kung saan tila muli niyang binanatan ang actor-host na si Vhong Navarro sa pamamagitan ng isyung kinakaharap ni Alex Gonzaga.

Sa kanyang tweet ipinahayag ni Kat Alano ang kanyang saloobin hinggil sa pagkansel dahil sa cake subalit pagsi-celebrate naman sa rape.

"People will cancel you for cake but celebrate you for rape," tweet ni Kat Alano.

Matatandaang nagbahagi ng maraming cryptic posts si Kat Alano sa gitna ng kasong panggagahasa na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa komedyanteng si Vhong Navarro. 

Sa kabilang banda, kamakailan ay umani ng mga pambabatikos si Alex mula sa mga celebs at netizens dahil sa pagpapahid ng cake icing sa noo ng isang waiter. Matapos ang pambabatikos na natanggap, nagsalita na si Alex at sinabing natuto na siya at babangon siyang muli bilang better and wiser person.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo