Masayang ibinahagi ng Kapamilya aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram account ang status at update ng kanyang ipinapatayong dream house.
Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang mga kuhang larawan mula sa kanilang pagbisita sa lugar kasama ng kanyang pamilya.
Sa caption, tila ipinahayag ni Kathryn na malapit ng matapos ang construction ng kanilang bahay.
“Final push!”
Marami naman sa mga kaibagan sa showbiz at mga tagahanga ni Kathryn Bernardo ang natutuwa sa kanyang mga accomplishments sa buhay.
Ipinahayag din ng iba ang kanilang admiration para rito.
"I’m excited to see"
"So excited! 😍 Always so proud of you, love! ❤️"
Ang Dream House ni Kathryn Bernardo ay ilang taon nang ginagawa, dahil una niyang isiniwalat ang pagtatayo nito sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga sulyap sa groundbreaking ceremony noong Marso 2020. Nabanggit niya na ang pagpaplano para sa bahay ay tumagal ng halos tatlong taon.
Ang aktres at ang kanyang ina ay nagpakita ng mga sulyap sa tahanan noong Agosto noong nakaraang taon. Kung saan makikitang hindi pa ginagawa ang ikalawang palapag ng bahay.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!