Kilalanin Natin Si Raven Villanueva at Ang Kanyang Mga Anak

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Sparkle

 


Naaalala mo pa ba ang isang TGIS member na sikat noong 90s na si Raven Villanueva?

Kasama niya sina Angelu De Leon, Bobby Andrews, Ciara Sotto, Red Sternberg, Michael Flores, at Bernadette Allyson.

Dahil isa si Raven sa mga orihinal na miyembro ng nasabing palabas, hindi siya madaling nakalimutan ng kanyang mga tagahanga.

Ginampanan ni Raven ang role ni Kris sa nasabing youth-oriented show drama mula 1955 hanggang 1999.

Kalaunan ay ikinasal si Raven sa Gimik actor na si Diego Castro, anak ng sikat na TV-Patrol newscaster na si Noli De Castro.

Nagkaroon sila ng isang anak na babae ngunit noong 1998 ay naghiwalay ang dalawa, at nag-abroad ang aktres.

Si Raven ay nanirahan sa Guam kung saan siya nagtrabaho bilang isang store manager sa loob ng ilang taon.

Pagkatapos nito, bumalik sa bansa si Raven noong 2001 at bumalik sa pelikula. Dito niya ginampanan ang mga matured roles gaya ng mga pelikulang Dos Ekis, at sa isang dramang Ikaw Lang ang Mamahalin.

Lumabas din si Raven sa isang Mens sexy magazine na FHM taong 2001 at 2007.

Kasalukuyang kasal si Raven sa isang ministrong Amerikano. Nagkaroon din sila ng anak. Isang anak na lalaki na nakatira ngayon sa Ohio, USA.

Gumagawa ng pangalan ang anak nina Raven at Diego sa industriya ng showbiz. Siya si Angelica Claire Castro.

Si Angelica Claire ay isang contract star ng Sparkle GMA Artist Center.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo