Kris Aquino Gumawa ng Isang Open Letter Para sa Kaarawan Ng Ina na Namayapa!

Miyerkules, Enero 25, 2023

/ by Lovely


Naglaan ng oras si Kris Aquino na mag-publish ng Instagram post na nakatuon sa kanyang yumaong ina na si dating Pres. Cory Aquino, na sana ay 90 taong gulang na ngayon.

Nag-post siya ng 9 na minutong video na nagpapakita ng compilation ng mga larawan at clip ng mga sandali ng kanilang pamilya. Ipinakita rin niya ang kanyang pakikipaglaban sa kanyang karamdaman at isang mahabang open letter para sa kanyang ina. 

“Happy 90th birthday in heaven,” pasiunang pahayag ni Kris Aquino sa kanyang open letter sa kanyang ina. 

Ibinahagi niya rito ang pakikipaglaban at ang gamutan sa kanyang sakit. Inilahad din niyang hindi pa talaga nagsisimula ang gamutan ng kanyang sakit dahil sa iba't-ibang dahilan.

Isa na rito ay ang allergic reactions niya sa karamihan ng mga gamot. May adverse reactions din umano siya sa steroids na siyang first line of defense para sa mga auto immune patients.

Sa isang parte ng liham ay inilahad din ni Kris Aquino kay gaano siyang inaalagaan ng kanyang anak na si Bimby.

“Mom, he’s the bunso you deserve – he’s responsible, caring, not magastos, puts my needs before his – Tito Noy would be so proud," pahayag ni Kris.

Sa bandang huli ng liham, inilahad niya na nagkaroon siya ng best role model at very proud siyang isa siya sa mga anak ni Cory Aquino at ina sa kanyang dalawang anak.

"And I always say I had the best role model in the world! I'm forever going to be proud to be Cory's baby, and the mama of Kuya Josh & Bimb."

Narito ang buong open letter ni Kris Aquino para sa kanyang ina.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo