Kris Lawrence, Sinabing 'Normal Thing' Ang Pagpapahid ng Icing sa Tuwing Birthday! Walang Ginawang Mali si Alex?

Miyerkules, Enero 18, 2023

/ by Lovely


Nakatanggap ng flak si Alex Gonzaga matapos mag-viral sa social media ang video kung saan pinahiran niya ng cake icing ang mukha ng isang waiter.

Sa gitna ng mga bashing, may ilang mga personalities naman ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay Alex, kabilang na rito ang singer na si Kris Lawrence.

Ayon kay Kris Lawrence, nagulat siya na iniisip ng mga tao na masamang maglagay ng cake sa mukha kapag may birthday party, at naniniwala siyang normal lang itong gawin.

“So now it’s bad to put cake on someone’s face during a birthday? I thought that was a normal thing,” pahayag ni Kris Lawrence sa kanyang Instagram stories.



Higit pa rito, nagkomento si Kris na ang waiter sa video ay nakatanggap ng pinakamaraming recognition at marahil ay binigyan pa ng "something" pagkatapos ng insidente.

“People always have something negative to say. Let’s fast forward and after this event that waiter just went viral will probably get ‘somehing’ after and a LOT of sympathy, Most recognition he ever got as a waiter,” pahayag ni Kris.

Dahil sa kanyang mga pahayag na ito si Kris Laswrence naman ang nakatanggap ng pambabatikos at backlash mula sa mga netizens.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo