Kylie Padilla, May Pasilip sa Kanyang Bagong Jowa!

Linggo, Enero 1, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin ngayon sa social media ang ibinahaging pasilip ng Kapuso aktres na si Kylie Padilla sa isang lalaking pinaghihinalaang bagong jowa nito.

Sa ibinahaging video ni Kylie Padilla, makikitang may ka holding hands siya habang namamasyal sa Thailand.

“Wandering with another fellow wanderer,” saad niya sa caption.

Samantala, hindi naman pinakilala ng aktres kung sino ang kanyang kasama at kung ano ang kanilang relasyon. Subalit malakas ang kutob ng mga marites na ang lalaking ito ay ang bagong jowa ni Kylie.

Base sa larawan, makikitang maraming tattoo ang nasabing lalaki.

Matatandaang ipinahayag ni Kylie Padilla na napagkasunduan nila ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica na maari silang pumasok sa isang relasyon sa kanilang paghihiwalay.

Naka-off naman ang comment section sa nasabing post ni Kylie kaya hindi na nausisa pa ng mga marites kung sino at anong estado ng kanilang relasyon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo