Lolit Solis, Naalala na Naman Ang Pagpa-Power Trip sa Kanya!

Martes, Enero 24, 2023

/ by Lovely

Tila muli na namang naalala ng talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis ang pinagdaanan umano niyang power tripping sa kamay ng isang pang talent manager.

Kamakailan ay binanatan muli ni Lolit Solis sa social media ang ilang managers na aniya ay mahilig sa “power tripping.” Tinawag pa niya itong 'ipokrita' na nagpapahiwatig  lamang na babaeng talent manager ang kanyang tinutukoy.

“Siguro bad gising ko Salve. Kasi bigla ang naalala ko mga insecurity ng mga power tripper.  Hindi ko maintindihan iyon cancel culture ng mga ipokritang manager na sa halip alagaan mga stars nila, nagiging reason pa para malasin mga alaga nila,” pahayag ni Lolit Solis.

Ibinunyag pa ng beteranong kolumnista sa showbiz na kinailangang kumonsulta sa isang abogado ang  manager na tinutukoy niya dahil ang kanyang talent ay nasangkot sa isang mabigat na akusasyon.

“Tignan mo, ngayon dapat mag consult ng lawyer ang isang manager dahil sumasabit ang kanyang alaga dahil lang nadamay sa kamalasan ng manager niya. Consult a lawyer siya para maayos niya. Power tripper kasi kaya hayan, problema niya tuloy na mapaganda ang image ng star niya,” chika pa ni Manay Lolit Solis.

Ipinahayag pa ni Manay Lolit Solis na ang nasabing manager din at ang 'kagagahan' nito ang nagiging dahil kaya mababa ang sales ng mga produktong iniendorso ng kanyang alaga.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo