Lolit Solis, Nabudol ng 700K?

Miyerkules, Enero 25, 2023

/ by Lovely


Ibinunyag ni Lolit Solis, sa isang Instagram post kamakailan, na pakiramdam niya ay biktima siya ng “budol” matapos mawala ang halagang P700K.

Agad naman ikinuwento ng veteran showbiz columnist ang nangyari noong panahong iyon, bagama't hindi eksaktong tinukoy kung kailan ito nangyari.

“Isa na naman sa naalala ko Salve si Ana'mark up' Goma. Naloka talaga ako na parang nabudol ng 700K sa hiningi niyang mark up na hindi naman pala siya kilala ng kumuha ng service ng isa kong alaga,” pahayag ni Lolit Solis.

“Naloka ako na pinalabas niya na siya ang nagpilit na kunin ang alaga ko at dapat magbigay kami sa kanya ng 700K. Ang daling trabaho di ba , ganuon lang meron na agad 700K hah hah,” dagdag pa ni Manay Lolit Solis.

Ipinahayag pa ni Manay Lolit na na-realize niya na kahit sa kanyang edad ay maaari pa rin siyang mabiktima ng 'budol' at power tripping.

“Kahit pala veteran na ako talagang puwede ka parin mabudol basta isang fast talker na gaya ni Ana Goma na talagang hanggang ngayon hindi ko maisip paano ako na convince ibigay ang 700K mula kay Christopher de Leon na buong tiwala naman pumayag.” 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo