Lolit Solis Nagbigay ng Dahilan kung Bakit may mga Movies na FLOP!

Lunes, Enero 9, 2023

/ by Lovely


Muling naglabas ng saloobin sa kanyang Instagram account si Lolit Solis at binanggit kung gaano iba-iba ang gusto ng mga manonood pagdating sa mga pelikula o palabas sa TV.

Sinabi ng beteranong kolumnista na hindi niya madaling maunawaan ang mga pelikula at palabas sa TV.

Binanggit niya bilang isang halimbawa ang mga palabas sa TV o mga pelikula na hindi tinatangkilik ng mga manonood. Kaya naman napakahirap umanong matukoy kung anong uri ng mga pelikula o palabas ang talagang gusto ng mga manonood. 

Minsan nagpa-flop pa umano ang isang pelikula o TV shows kahit sikat ang mga artistang gumanap rito.

"At kahit nga kung minsan big stars na nasa project hindi parin gusto ng viewers at nagiging flop pa. Minsan naman pag gusto ka gulatin gaya ng Kita Kita na hindi box office stars ang lead bigla naging box office hit," pahayag ni Lolit.

Sa huli ipinahayag ni Manay Lolit  na minsan ay umaasa na lamang sa swerte kung magiging hit o flop pa ang isang palabas o pelikula.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo