Lotlot De Leon, May Kinampihan sa Isyu nina Nora Aunor at Matet De Leon?

Linggo, Enero 1, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag at inilabas na ni Lotlot De Leon ang kanyang saloobing sa nangyaring tampuhan ng kanyang kapatid na si Matet De Leon sa kanilang ina na si Nora Aunor.

Matatandaang, ipinahayag ni Matet De Leon ang kanyang tampo sa ginawa ng kinikilalang ina nila na si Nora Aunor. Kung saan ginaya umano nito ang gourmet business nila ng kanyang mister.

Tila labis na nasaktan si Matet dahil ipinahayag pa niyang hindi na niya kailanman kakausapin ang kanilang ina.

Samantala, sa isang panayam kay Lotlot De Leon sinabi niyang tinitingnan na lamang niya ang sitwasyon ng kanyang kapatid at ina in a bigger picture. Alam din umano niyang walang nananalo sa ganitong awayan.

Subalit, hangad ni Lotlot na maayos din ang relasyon ng ina at kapatid.

Nilinaw din ni Lotlot na lahat silang magkakapatid ay may mabubuting puso dahil ito mismo ang itinuro at natutunan nila sa kanilang ina na si Nora Aunor.

“Ganito na lang… wala akong mga kapatid na masasama ang ugali. Lahat ng mga kapatid ko, whether si Ian, si Matet, si Kiko, si Ken… lahat ‘yan sobrang magaganda ang puso nila. Kasi si Mommy rin ang nagtuturo sa kanila kung paano magkaroon ng magandang puso,” pahayag ni Lotlot.

 Iba-iba man daw sila ng ugali, lahat sila ay pare-pareho kung magmahal. Kung may mga nabibitiwan mang salita para sa isa’t isa, marahil ay dulot na raw ito ng kung anumang “pain” o “miscommunication” sa loob ng pamilya, na normal namang nangyayari sa bawat pamilya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo