Luis Manzano Hindi Nakapagtimpi Matapos Sabihang Pisot si Baby Peanut!

Huwebes, Enero 12, 2023

/ by Lovely


Hindi na nakapagtimpi ang actor-host na si Luis Manzano sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post kasama si Baby Peanut kamakailan lamang.

Hindi pinalampas ni Luis Manzano ang panlalait nito sa kanilang bagong silang na anak ni Jessy Mendiola matapos nitong sabihang kaya palaging tinatakpan nila Luis ang mukha ng sanggol dahil baka ay pisot ito.

Sa ngayon ay hindi pa ipinapasilip nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kabuuang mukha ng kanilang anak dahil tila hindi pa silang handang ibahagi ito sa publiko.

Nauunawaan naman ito ng kanilang mga tagasuporta dahil karapatan naman ng magulang ang pagdedesisyon rito.

Subalit may ilan talagang mga atribida at kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi. May mga nagsasabi pang kesyo ang arte-arte ng dalawa at tila tinatago pa ang mukha ng anak.

“Bakit di mo pinakikita mukha ng anak mo pisot ba ‘yan? Dami nyo arte [laughing emojis] by the way congrats na lang sa inyo Lucky Manzano,” komento ng basher.

Hindi naman ito pinalagpas ni Luis at kaagad na gumanti sa basher.

“Kayo nga po pinagisa n’yo pisngi, leeg, at baba n’yo di namin po kayo pinapakialaman,” buwelta ni Luis.

Sa ngayon ay hindi na mababasa pa sa comment section ang nasabing pahayag ng basher matapos kuyugin ng ilan pang tagahanga ni Luis Manzano.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo