Muli na namang nasampal ng kahirapan ang ilang mga tagahanga ng fashion icon na si Heart Evangelista, sa pagbabahagi nito ng isang mamahaling gamit.
Hindi pa nga nakaka-move on ang ilang mga netizens sa pagbabahagi ni Heart sa kanyang mamahaling limited edition handbag na nagkakahalaga ng mahigit 20 million. Muli na namang nagbahagi si Heart Evangelista ng isang pang mamahaling gamit, “Take-away Box in Leather” ng luxury brand na Yves Saint Laurent.
Ayon sa official online store nagkakahalaga ng mahigit P103,000 ang Take-away Box in Leather na iflinex ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram account.
Agad naman itong umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa ilang mga netizens. Ang ilan ay binabatikos at hindi natutuwa sa labis na pagiging materialistic umano ni Heart Evangelista.
Subalit, ipinagtanggol naman ng ilang mga supporters si Heart Evangelista at ipinunto nila sa mga bashers na pinaghirapan naman lahat ni Heart Evangelista ang perang ginamit bilang pambili ng mga nasabing luxury items.
Ang iba naman ay nag-iwan na lamang ng nakakatuwang komento sa nasabing Instagram post ni Heart.
"If Wednesday bought a happy meal"
"Ano ulam ‘teh?"
"unang kagat, fashion agad"
"Mommy, pls put the caviar inside my lunchbox."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!