Madam Kilay, Nanganak Na Sa Matagal Na Nilang Hinihintay!

Miyerkules, Enero 25, 2023

/ by Lovely


Isang napakagandang update ang ibinahagi ni Madam Kilay sa kanyang mga fans at followers sa social media.

Ibinunyag ng social media influencer sa kanyang Facebook account na matagumpay niyang naipanganak ang kanyang unang anak. Nag-upload din si Madam Kilay ng mga larawan ng unang pagkikita nila ng kanyang adorable baby. 

Kahit na pagod at masakit pa ang katawan, tinanggap ni Madam Kilay ang sanggol sa kanyang mga bisig. Makikita rin sa mga larawan ang boyfriend ni Madam Kilay na si Michael na kasama niya sa pagsilang ng kanilang unang baby.

Sa caption ng larawan, sinabi ng bagong ina na nasasabik na sa wakas ay makilala ang kanyang sanggol pagkatapos ng mahabang panahon na paghihintay. Bumuhos naman ang mensahe ng pagbati ng mga netizens kina Madam Kilay at Michael sa comments section ng kanyang post.

“Ang tagal ka naming inintay Anak ko,” pahayag ni Madam Kilay.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo