Maegan Aguilar Humingi Ng Tulong Pinansyal Kay Sen. Raffy Tulfo!

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Lovely


Tila disperado na ang dating singer na si Maegan Aguilar sa paghingi ng  tulong kay Sen. Raffy Tulfo ngayong araw January 19, 2023. 

Ayon kay Meagan, desperado na siya upang makahingi ng tulong pinasyal para sa kanyang pagpapagamot sa sakit na matagal niya nang iniinda. Wala na umano siyang ibang malalapitan.

Kaya nagdesisyon siyang sa senador na lamang magpunta at humingi ng tulong. Isiniwalat pa ni Meagan na kahapon pa sila nakapila ng kanyang asawa, kahit pa may iniindang sakit ay nakisiksik na siya sa haba ng pila ng mga tao. 

Pag-amin pa nito, na mayroon umano siyang sakit na ang tawag ay hypothyroidism, na naging dahil ng malaking pagbawas ng kanyang timbang.

Samantala ayon sa doktor na kinausap ni Sen. Raffy, dapat daw ay naka-confine na ito ngayon sa ospital para sa treatment. Subalit wala na umanong mahugot pang pera si Meagan.

Willing namang magbigay ng tulong si Sen. Raffy Tulfo kay Meagan dahil wala naman silang pinipiling tao na bigyan ng tulong. Pero sa isang kondisyon, ito ay depende sa drug testing result ni Meagan.

Matatandaang napabalita noon na gumagamit si Meagan sa ipinagbabawal na gamot. Kaya nais lamang masigurado ng kanilang tanggapan na malinis ang taong kanilang tinutulungan. Umamin naman si Meagan na nalulong siya sa bisyo simula noong 16 years old siya pero huminto na umano siya. 

Handa naman umano siya mag-undergo ng test.

Nagtaka naman ang marami kung bakit kinailangan pang lumapit nito kay Sen. Tulfo gayung ang ama nitong si Freddie Aguilar ay may pera. Napag-alaman sa programa na matagal na palang may hindi pagkakainitdihan ang mag-ama sa hindi sinabing dahilan ni Meagan. 

Nais sana ni Sen. Tulfo na magkasundo silang mag-ama kaya't sinubukan ng kanilang team na kontakin ito, pero tumanggi si Freddie na magsalita on air at sinabi mas gusto niya na mag-usap sila ng kanyang anak off-air. 

Nagpadala rin ito ng mensahe na siya ang nagbayad ng hosptal bill ni Meagan noong nakaraan na naconfine ito. Ganun pa man, nagbigay ng pahayag si Sen. Raffy Tulfo na tutulungan niya si Meagan sa pagpapagamot, maging sa nais nito na makabalik sa industriya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo