Mccoy at Elisse, Nagkabalikan Na Ba?

Miyerkules, Enero 18, 2023

/ by Lovely


Nais ding malaman ng talent Manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz ang nakarating sa kanila na tsikang naispatang kasa-kasama ni Elisse Joson si McCoy De Leon sa isang taping, na mukhang in good terms na ulit sila.

“Itong si McCoy de Leon at si Elisse Joson, mukhang bati na. Together again,” pagpapahayag ni Mama Loi.

“Eh kasi nga no’ng Friday the 13th, sa shooting ng isang project na kasama si Elisse Joson, kasama niya sa shooting si McCoy pero hindi kasama si McCoy doon sa project ha. Hanggang matapos andun si McCoy eh tapos si McCoy pa ‘yung nagbibitbit ng mga gamit ni Elisse,” dagdag pa ng co-host ni Ogie.

Hindi rin naman umano nila kasama ang kanilang anak na si Felize, kaya naman tila wala nang ibang rason kundi bati na nga ang dalawa.

Subalit, patuloy pa ring nanahimik ang magkabilang kampo hinggil sa isyung ito. Gayunpaman, marami sa kanilang mga tagahanga at taga suporta ang natutuwa lalong-lalo na sa anak nilang si Felize. Dahil hindi na umano ito magkakaroon ng broken family.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo