Sa gitna ng isyung hiwalayan ng magpartner na Mccoy De Leon at Elisse Joson dahil sa isang third party, nagbigay ng mensahe si Mccoy para sa nag-iisang anak kay Elisse na si Baby Felize.
Binalikan ng ilang mga netizens ang ipinahayag na mensahe ni Mccoy para sa kanilang anak ni Elisse noon pang December 19. Hinuha ngayon ng ilang mga netizens na sa panahong ito ay on the rocks na ang relasyon ng celebrity couple.
“Lagi mong tatandaan na mahal kita.
IKAW lang ang nakaka alam
IKAW lang ang makakaintindi sa akin
IKAW lang ang maasahan ko
IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay
IKAW lang ang lahat lahat ko,” pasiunang pahayag ni Mccoy sa kanyang Instagram post.
Hiling din ni Mccoy na sana ay hindi magbago ang pagtingin ni Felize sa kanya sa panahong ikukwento niya ang totoong nangyari sa relasyon nila ni Elisse.
“Sana pagtanda mo 'wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo. Don't worry masasaya naman ikukwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy. Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh,” dagdag pa niya.
“Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na…anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra…*hug na mahigpit*”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!