Naapektuhan na umano ang mental health ng singer na si Kris Lawrence dahil sa grabeng pambabatikos na natanggap mula sa mga netizen nang depensahan niya ang TV personality na si Alex Gonzaga dahil sa pamamahid nito ng icing ng cake sa isang waiter kamakailan.
Sa isang panayam, isiniwalat ni Kris Lawrence na labis siyang nasaktan dahil ilan sa mga nanggatong sa isyu ay mga kakilala at inakala niyang kaibigan.
“People who I thought were friends from the media are actually feeding off of it. It’s hard kasi I know myself and I never intended harm on anyone, and why are people deciding on what my character is?” pahayag ni Kris Lawrence.
“It makes me question myself and my achievements in my life. I can see why a weak-minded person would be depressed or commit suicide after bashing,” dagdag pa nito.
Isiniwalat pa niya na sa unang pagkakataon ay nakatanggap siya ng ganitong uri ng bashing. Aware rin naman siya na mambabash lang ang mga basher pero sinusubukan daw ng mga ito na diktahan ang kaniyang buong pagkataon.
“They say they want an apology from me but I didn’t even do anything, di naman ako ang nagpahid ng cake — and my intention was to diffuse the bashing. I hope people will open their hearts and minds more and see the intention instead of context. No one is perfect. It feels like lahat nang ginawa mong maganda sa buhay, lahat ng tao na pinasaya mo, nabura dahil na-misinterpret at na-misunderstand ka ng mga tao.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!