Mga Followers at Subscriber ni Alex Gonzaga Nagsilayasan Na!

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Lovely


Naging malaking dagok para sa actress, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga ang kinakaharap na kontrobersiya hinggil sa pamamahiya umano niya sa isang waiter na humawak sa kanyang birthday cake.

Nag-ugat ang lahat ng bigla na lamang pahiran ng icing ni Alex ang waiter na siyang ikinadismaya ng maraming netizens. Sinundan pa ito ng ilang mga negatibong komento mula sa mga dating kasamahan ni Alex.

Sinabi nila ang kanilang karanasan at kung gaano kasama ang ugali ng aktres. Ibinunyag pa ng ilan kung paano hindi sinusunod ni Alex ang mga rules sa set. May mga nagtatanggol naman rito subalit, mas marami pa rin ang dissappointed.



Naglabas na rin ng statement ang kanilang publicist at ang mismong waiter. Subalit, tila hindi ito nakatulong upang pahupain ang isyung kinakaharap nito ngayon.

Usap-usapan pa ngayon na dahil sa kinakaharap ni Alex ay bumaba ang mga followers nito sa social media at tila ba ay nagsilayan na dahil sa ipinapakita ni Alex.



Bagama't alam naman ng lahat na sadyang makulit si Alex Gonzaga pero sumusobra na umano ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo