Hindi nanahimik ang Kapuso comedy star Michael V sa mga pahayag ng mga bumabatikos sa upcoming Anime adaptation ng Voltes V: Legacy. Tinawag din niyang “nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng bashers” kasunod ng trending at viral na full trailer ng “Voltes V: Legacy” ng GMA Network.
Kabilang ang aktor at komedyante sa maraming fans ng classic Japanese anime sa mga nagalingan sa husay na ng live action trailer comeback nito sa Philippine TV.
“Kinilabutan” sa ganda ang comedy star sa aniya’y pagbabalik sa reyalidad ng kaniyang childhood hero.
“I know, nag-express na ‘ko ng excitement ko sa previous post ko pero this trailer got me more excited than ever! Nabasa ko rin ‘yung mga comments n’yo and I’m glad na maraming nag-a-agree especially ‘yung TOTOONG FANS ng V5,” pahayag ni Michael V sa isang Facebook post nitong Linggo.
May iniwang pahayag din siya sa mga nambabatikos sa nasabing adaptation.
“Kung hindi talaga kayo fan, wala nang magpapasaya sa inyo kahit sino at kahit kailan. Marami pa rin ang mga nagpapanggap at hindi matanggap na kaya nang gawin ‘to ng network with the right tools, right people and a ton of passion,” direktang pasaring ni Bitoy.
“Basta ako, sa trailer pa lang na ‘to SOLD na ako! Kudos kay Direk Mark Reyes, sa cast, sa animators and everyone involved sa production ng Voltes V: Legacy! You made me travel back to my childhood and relive a feeling that has long been waiting to be rekindled. I’m looking forward to that feeling in every episode."
“To all the fans and the bashers, this show is for you! Wala kahit isa sa inyo ang p’wedeng magnakaw ng saya na naramdaman ko nu’ng napanood ko ‘to,” dagdag pa niya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!