Tila hindi pa rin makakapaniwala ang Direktor ng pelikulang Deleter na si Mikhail Red na nangunguna na sa ngayon sa takilya ang kanyang pelikula.
Ang Deleter ay siyang kauna-unahang entry ni Direk Mikhail Red sa Metro Manila Film Festival.
Labis siyang natutuwa at nagpapasalamat sa lahat ng mga tumangkilik nito.
Ipinahayag din ng Direktor na tila nagkataon talaga ang lahat dahil napaka perpekto ng cast lalo na sa lead star na si Nadine Lustre.
“Siyempre at first na-intimidate ako na Nadine mag-sa-star sa Deleter. Pero when I got to work with her nakita ko nga na we share the same vision and yung technique niya, talagang gusto niya rin yung craft eh. So nagkasundo kami agad and this is a role that she’s also excited about kasi kakaiba for her ang psychological thriller and horror. So nag-click talaga. Parang nag-align yung stars for this project. Very lucky kami sa timing and even our producers nga sa Viva they gave us this opportunity,” pahayag ng Direktor.
Samantala, dahil patuloy na nangunguna ito at maraming sumusuporta ipinahayag ni Direk Mikhail Red na maaring magkaroon ng sequel ang Deleter na siyang dahilan kung bakit open ending ito.
“Sinadya namin na parang very open ended. Without spoiling the ending, it poses the question sa audience. Sinadya namin yun and we’ll see. We’ll talk to Viva. I think they’re very excited right now. Nag-be-brainstorm kami what’s next sa collaboration ko with Viva. And yun yung gusto ko sa kanila, they’re very creatively open and free. So parang I can’t wait what to do with them next kasi may a few more films kaming naka-sign with them,” pagbabahagi pa ni Mikhail Red.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!