Mommy Ni Alex Gonzaga, Nagsalita Na Tungkol Sa Issue Ni Alex at Waiter #alexgonzaga

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Sparkle

 


Ang relasyon ng waiter sa pamilya, ibinunyag!

Nagsalita na rin ang kampo ni Alex Gonzaga tungkol sa isyung kinakaharap ngayon.

Umani ng maraming batikos ang host-vlogger matapos niyang magpahid ng cake sa isang server sa kanyang birthday party.

Kaya literal na Birthday Bash ang regalo ng netizens kay Alex. Ang kumalat na video ay mula sa story ni Dani Barretto na isa sa mga bisita ni Alex.

Pero maraming netizens ang nakapag-share nito dahil marami ang hindi natuwa sa inasal ng sikat na vlogger.

Masamang ugali, walang galang, walang pinag-aralan at kung anu-ano pang batikos kay Alex. 

“This Allan, one of the waiters of Florabel Resto and Catering Service in Valle Verde Pasig, is a friend of Mommy Pinty Gonzaga and Soriano family. Kaya majority of the event of Gonzaga and Soriano family ay sila ang kinukuha ni Mommy Pinty na mag-cater ng food and beverages.”

“At itong si Allan ay laging kabiruan ni Mommy Pinty and Alex at ito ang parating nagse-serve sa kanila.”

“Kaya tuwing nagkikita ay binabati agad ni Allan ang mag-mommy, magiliw ito sa kanila.”

“Hindi naman magagawa ni Alex ang magbiro at magpunas ng cake, kung [hindi] sila magkakilala ng said waiter, na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex. This is the side of Mommy Pinty na higit na nakakaalam ng istorya ng anak.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo