Mommy Pinty, May Madamdaming Mensahe Para sa Anak na si Toni Gonzaga!

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Lovely


Kamakailan lamang ay nagbahagi si Mommy Pinty ng mahabang post sa kanyang Instagram feed para sa kanyang panganay na anak na si Toni Gonzaga, matapos ang matagumpay na anniversary concert nito.

Kasabay ng 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga sa pagtatrabaho sa showbiz, ipinagdiwang din nito ang kanyang kaarawan noong January 20, 2023.

Walang ibang ipinahayag si Mommy Pinty kundi ang kanilang pagpapahalaga at pagmamahal kay Toni. Ipinapakita pa nito kung gaano niya sinusuportahan at mahal ang kanyang anak. 

"To God be the glory anak! Congratulations on your 20th Anniversary in showbiz and belated happiest birthday! Dalangin namin ng daddy mo patuloy kang pagpalain at ingatan ng Diyos. I see Gods favor in your life today and declaring it in the future in Jesus Name, You are truly blessed love and highly favored! We are so proud of you! Keep soaring like an eagle because you are an inspiration to many! Stay healthy, safe , humble and beautiful inside and out! Godbless you and your whole family We love you and will always be here for you anak," caption ni Mommy Pinty sa kanyang post kalakip ang video na kuha mula sa concert ni Toni noong byernes ng gabi.

Makikita sa nasabing video na halos mapuno ang Araneta Coliseum, na nagpapatunay lamang na talagang marami ang sumusuporta kay Toni Gonzaga. Sa kabila ng kaliwa't kanang pambabartikos rito dala ng pagsuporta nito kay PBBM noong nakaraang halalan.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo