Muling nabigo si Deniece Cornejo sa kanyang balak na pagpapakulong kay Vhong Navarro na ibasura ng korte ang inihain niyang Motion to reverse bail grant para sa actor-host.
Ibinasura ng korte sa Taguig ang motion ng modelong si Denice Cornejo na baguhin ang utos nito na nagbigay-daan sa plea ng aktor at host na si Vhong Navarro para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ayon sa three-page order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 Presiding Judge Loralie Datahan, ibinabasura niya ang motion ni Deniece Cornejo dahil sa lack of merit.
Sinabi ng korte na ang paghahain ng mosyon ay walang conformity sa Office of the City Prosecutor ng Taguig City.
“In this case, there is no conformity from the public prosecutor. This circumstance was not denied by the private respondent. Private respondent merely claimed that the Office of the Prosecutor did not object to the filing of the Motion to Reconsider," pahayag ng korte.
Noong Disyembre 2022, pinayagan ng Taguig court si Vhong Navarro na magpiyansa ng P1 milyon para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ng korte ang kasong panggagahasa laban sa kanya.
Noong Setyembre, nagsampa ng kaso ang mga Taguig Prosecutors laban kay Vhong Navarro dahil sa umano'y panggagahasa kay Deniece Cornejo sa pamamagitan ng "puwersa, pagbabanta, at pananakot" noong Enero 2014.
Itinanggi naman ni Vhong Navarro ang mga paratang laban sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!