Nadine Lustre Nagsalita Tungkol Sa Pagtawag Sa kanyang Horror Queen| "Okay Naman Sakin"

Martes, Enero 17, 2023

/ by Sparkle

 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Nadine Lustre na ang horror film niyang "Deleter" ang top-grosser sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival.

Lutang pa rin daw siya at ang cast ng pelikula dahil hindi inaasahan ang nangyari. Kasama ni Nadine sa Deleter sina Jeffrey Hidalgo, McCoy De Leon at Louise Delos Reyes.

Ang pelikula ay idinirek ni Mikhail Red at ginawa ng Viva Films.

Aniya, “Hindi namin alam. Nakalutang pa rin kaming lahat until now kasi wala naman talaga siya sa plano, eh. Hindi pa rin talaga siya nagsi-sink in, kahit sa akin sobrang hindi pa siya nagsi-sink in na even until now ang dami pa ring nanonood.

“Ang dami ko pa ring nababasang mga tweets. Tapos nag-extend pa, so ano talaga ako, hindi talaga ako makapaniwala.

“But I guess, ang pinaka-na-appreciate ko is yung na-appreciate siya ng mga tao. Na every time na nanonood ako ng Deleter, yung mga tao pumapalakpak sila after. Tapos naririnig mo sila na sumisigaw sila. Yon yung pinaka-na-appreciate ko kasi at least alam ko na talagang nagustuhan nila yung pelikula.”

Okey lang kay Nadine na tawaging bagong Horror Queen, pero may request ang aktres. 

“I guess for someone like who’s been in drama and romcoms for a while parang until now meron pa ring mga tao na hindi makapaniwalang nag-horror ako. Mahirap kasing umalis pag na-tag ka na sa isang genre o kapag naipit ka na sa isang genre.

“So habang maaaga pa, or habang hindi pa siya ganun ka-ano… okay naman sa akin na matawag na Horror Queen pero huwag naman sana akong ma-typecast,” pahayag ng MMFF best actress.

Dati, hawak ni Kris Aquino ang titulong Horror Queen dahil sa tagumpay ng pelikulang Feng Shui 2 na ipinalabas noong 2014 sa MMFF na kumita ng P235 milyon.

As of now, P240M na ang kinita ni Deleter and still counting dahil extended pa ang movie sa ilang sinehan.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo