Ipinahayag ni Ogie Diaz na may nakarating sa kanyang haka-haka tungkol sa hindi pagkakasungkit ng major awards ang pelikulang Family Matters gayung napakaganda naman ng plot at story line nito.
Ayon sa isang source ni Ogie Diaz ang direktor mismo ng pelikula na si Direk Laurice Guillen ang naging dahilan kaya ito hindi man lang nakakuha ng major awards ang Family Matters.
"Ito hindi confirmed ha. Pwede itong linawin ng tutukuyin natin. Totoo ba ito na may kinalaman ba si Direk Laurice Guillen kung bakit hindi nabigyan ng maraming nominasyon ang Family Matters?" ani Ogie Diaz.
Nakarating umano sa kanya na tila ba ay natatakot si Direk Laurice na maungusan ng Family Matters ang kanya ring pelikula na Tanging Yaman noong 2001. Magkapareho kasi ng tema ang dalawang pelikula.
Matatandaang, tumatak na sa lahat ang nauna niyang pelikula kaya tila takot siyang mapalitan ito.
"Ha? Totoo bang ayaw maungusan ni Direk Laurice Guillen ang kanyang Tanging Yaman ng Family Matters," halos hindi makapaniwalang pahaiag ni Ogie Diaz.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!