Tila pinaghandaan na ni Olivia Culpo ang muling paghohost ng Miss Universe pageant ngayong taon dahil bumawi na ito sa energy ngayon.
Matatandaang na bash si Olivia matapos ang hosting stint niya sa Miss Universe 2021. Kaya naman ngayong taon pinaghandaan na talaga ni Olivia.
Nakabawi na umano si Miss Universe 2012 Olivia Culpo sa “energetic hosting” mula nang maokray siya noon sa Miss Universe 2021 dahil parang wala raw siyang kagana-gana, lalo na sa pagbigkas ng pangalan ng mga nakakapasok sa Top.
Pinansin siya ng sikat na social media personality na si “Senyora”.
“Ate Olivia natin mukhang nag-energy drink na! #MissUniverse2023,” saad ni Senyora sa caption.
Agad naman itong pinagkatuwaan ng ilang mga netizens at umani ng samu't-saring komento at reaksyon.
“In fairness kay Mareng Olivia mukhang nakainom ng Energen buhay na buhay.”
“Inaway n’yo kasi noong nakaraan hahaha bumabawi.”
“Same thought.. Great hosting skill achieved…”
“Nag-Red Bull hahaha.”
“Naka-Milo na yata hahaha.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!