#PaalamToni Trending Ilang Oras Bago ang Concert ni Toni Gonzaga sa Araneta!

Biyernes, Enero 20, 2023

/ by Lovely



Ilang oras bago ang inaabangang 20th anniversary concert ng actress, TV Host, vlogger na si Toni Gonzaga, trending ngayon sa Twitter ang #PaalamToni na ikinalito ng ilang mga netizens.

Ilang mga netizens, ang nagbahagi ng pagtalikod kay Toni Gonzaga at piniling itigil ang pag-iidolo rito. Nagbahagi pa ang ilang netizens na dati umano nilang iniidolo si Toni mula pa noong nagsimula ito sa showbiz.

Subalit, iniwan na nila ang aktres mula nang suportahan nito si Pangulong Bongbong Marcos noong nagdaang eleksyon.

"since trending sya #PaalamToniGonzaga kwento ko lang that I was a huge fan of her since wazzup wazzup up until last year, she's my ultimate idol TALAGA and alam yan ng buong pamilya ko and I never thought darating ako sa point na ganito"

"This thread took the words out of my mouth. I was a huge Toni G. fan talaga before. Kasali pa ako sa mga fanclub, ganoong level! Pero nakapagluksa naman na ako haha loved the hashtag.

Sayang ka, Toni.

#PaalamToniGonzaga"

"I adore Toni's versatility and talent, but I cannot stand her hypocrisy. So long~ #PaalamToniGonzaga"

Tila hindi pa rin matanggap ng ilang mga netizens ang desisyon ni Toni Gonzaga sa kanyang sinuportahan noong halalan.

Sa kabila ng lahat, magtatagumpay kaya ang concert ni Toni Gonzaga sa kanyang ika 20 anibersyaryo?

  

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo