Hindi pagkakasama ni Miss Universe Philippines sa top 16 Finalist ng 71st Miss Universe pageant, isinisisi ng ilang mga fans kina President Bongbong Marcos at Darna!
Hindi pinalad si Celeste Cortesi na ipagpatuloy ang kanyang Miss Universe journey sa final round ng nasabing kompetisyon.
Kaya naman, usap-usapan ngayon ng ilang mga pageant fans ang ilang posibleng dahilan ng pagkakaligwak sa pambato ng Pilipinas. Sa pangyayaring ito, naputol ni Celeste ang winning streak ng Pilipinas mula 2010. Kung saan ang mga ipinapadalang kandidata ng bansa para sa Miss Universe ay palaging napapasama sa Final round.
Ayon sa ibang mga netizens, masyadong naging pabaya si Celeste Cortesi dahil matunog ang kanyang pangalan online at palaging kasali sa mga top predictions ng ilang pageants expert.
Isa pa sa mga itinuturong dahilan ng ilan ay ang pagsusuot ni Celeste sa Darna costume bilang kanyang National Costume.
May mga nagsasabi ring, may kinalaman ng pagkakaligwak ni Celeste ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
"THE TOP 16 STREAK IS NOW BROKEN UNDER BONGBONG MARCOS PRESIDENCY. TANG*NA MO TALAGA WALA KA NANG GINAWANG MATINO SA BANSANG TO," tweet ng isang netizens na naka-mention pa si Pangulong Marcos.
Subalit, agad naman itong pinutakti ng mga komentong nagtatanggol sa Pangulo at sinasabing walang kasalanan o anumang kinalaman ang kasalukuyang administrayon sa pagkakapanalo o pagkatalo ng kandidata sa isang pageant.
"As much as I hate our current administration, let us be real here. The reason why our MU representative didn't make it to the 16th cut is not because of our President but it''s beacause she failed to make it for whatever reason."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!