Pangulong BBM Tutuparin Ang Pangarap Ni Jullebee Sa Pamilya!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Lovely


Dumalaw ng personal si President Bongbong Marcos sa burol ng pinaslang na OFW na si Jullebee Ranara. 

Nitong byernes lamang dumating sa bansa ang mga labi ni Jullebee Ranara na brutal na pinaslang sa Kuwait. Subalit, nitong linggo lamang nagsimula ang burol nito dahil na rin sa kahilingan ng naulilang pamilya nito na idaan muna sa NBI para sa autopsy.

Samantala, ayon sa mga nakapunto sa burol, hindi ipinapakita ang mukha ni Jullebee bagkos ay nakabalot ito sa isang puting kumot. 

Agad namang nagpa-abot ng tulong sa pamilya sina OWWA Administrator na si Arnel Ignacio at Migrant Secretary na si Susang Ople. Maging ang senador na si Raffy Tulfo ay ipinakita rin ang pag-aalalay sa pamilyang naiwan ng OFW.

Makikitang isa si Senador Raffy Tulfo sa mga naghintay sa pagdating ng mga labi ni Jullebee sa NAIA. Nag-abot rin ng financial assisstance si Sen. Aimee Marcos para sa naiwang pamilya ng namayapang OFW.

Samantala, nitong lunes personal na dumalaw si Pangulong Bongbong Marcos sa burol ni Jullebee upang makiramay sa pamilya nito, kasama niya si Sen. Mark Villar. Makikita pa ang paghagulhul ng ama ni Jullebee sa sinapit ng kanyang anak. Agad naman itong inalalayan ng ating pangulo.

Ipinangako pa ng Pangulo sa naulilang pamilya ni Jullebee na hindi nagtatapos ang pangarap nito sa pamilya dahil handang tuparin ng gobyerno ang mga naiwang pangarap nito para sa pamilya.

Samantala, ayon sa Embassy sa Kuwait, kasalukuyan nang nakakulong ang maysala sa karumal-dumal na pagpaslang kay Jullebee. Tiyak na mapaparusahan umano ito sa krimeng ginawa sa Pinay OFW.

@1957x1978 Justice for #jullebeeranara !! #presidentbbm #bongbongmarcos #justice #fyp ♬ I Offer My Life - Don Moen

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo