Paolo Contis ‘Bugbog Sarado’ Sa Social Media Dahil sa Mga Fans ni Kathryn Bernardo!

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Lovely


Umaani ngayon ng samu't-saring pambabatikos ang aktor na si Paolo Contis matapos ang kanyang interview kay Kapuso actor na si Alden Richards.

Ito'y matapos ang kanyang pahayag sa isang episode ng Just In, isang show ng Sparkle sa Facebook at YouTube kung saan kinapanayam niya si Alden Richards.

“Yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA ang artista!” pahayag ni Paolo na siyang kinainis ng mga fans ni Kathryn Bernardo.

Ang tinutukoy ni Paolo ay ang pelikulang “Hello Love Goodbye” na tinaguriang highest-grossing Philippine film of all time na siyang pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo at Alden Richards.

May isa pang tweeter user na nagsasabing totoo ang ipinahayag ni Paolo Contis.

“Hoy Paolo Contis spitting FACTS ONLY!!” tweet nito.

Agad naman itong inalmahan ng ilang mga fans ni Kathryn Bernardo na tila na offend sa mga pahayag ni Paolo Contis.

Naniniwala kasi sila na mas malaki ang naging kontribusyon ni Kathryn Bernardo kaya humakot ng sales takilya at hindi lang dahil kay Alden kung bakit umabot ng P889.2 million ang kinita nito kaya nainis sila sa pahayag ni Paolo.

“Haha as if naman ganyan kataas ang gross ng movie without Kathryn. Both of them are no doubt great in acting, pero Kathryn Bernando brought the majority of the audience. KathNiel has the largest fanbase in the Philippine Showbiz Industry. That’s a fact,” tweet ng isa pang netizen.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo