Paolo Contis Emosyunal sa Pagbibigay ng Mensahe para Kay Lian Paz!

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Lovely


Si Paolo Contis naman ang naging guest sa programang Fast Talk with Boy Abunda nitong Byernes January 27, 2023.

Sa panayam, naging emosyonal ang aktor habang pinag-uusapan ang kanyang mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.

“'Yung sa dalawa ko, gusto kong bumawi sa dalawa. 'Yung kay Summer, biglaan kasi. It doesn't make me love Summer more. Lahat silang tatlo mahal ko siyempre,” pagpapahayag ni Paolo Contis.

“Pero 'yung sa dalawa, medyo malalim-lalim na 'yung pagkukulang ko so hindi ko sila masisisi,” pag-amin pa niya.

Bukod dito, sinamantala ng celebrity dad ang pagkakataon para pasalamatan sina Lian Paz at ang  fiancé nito na si John Cabahug.

“I would like to take this opportunity to tell Lian and John, thank you for doing a great job sa mga bata. Doon swerte ako kasi mabait 'yung John e," ani Paolo.

Matatandaang sa isang post, binalikan ni Lian Paz ang panahon hiniling niya na sana ang ibigay na regalo sa kanila ay mga diaper at gatas na para sa dalawa niyang anak kay Paolo Contis. Tila ba nagpapahiwatig ito na hindi nagbibigay ng ssuporta si Paolo Contis sa kanyang mga anak kay Lian.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo