Paolo Contis, May Mensahe para Kay Kathryn Bernardo Matapos Ma-bash!

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Lovely


Sinagot na ni Paolo Contis ang mga nambatikos sa kanya matapos magtrending ang naging pag-uusap nila ng aktor na si Alden Richards hinggil sa pelikula nila ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Naging hot topic si Paolo Contis lalong-lalo na sa tweeter matapos ibahagi ng isang netizens ang umano'y bahagi lamang ng usapan nila ni Alden na kaagad umani ng pambabatikos sa kanilang dalawa mula sa mga fans ni Kathryn Bernardo.

“Obviously yung nag-post, para sa akin, medyo naghahanap siya ng issue. To be honest, kung ako naman yung fan ni Kathryn at yung maikling part lang ang napanood ko, mao-offend din ako,” paglilinaw ni Paolo sa isyu sa mismong guesting niya sa show ni Boy Abunda nitong byernes January 27, 2023.

Nagtrending ang naging pag-uusap nila ni Alden Richard mula sa isang episode ng Just In. Kaagad namang hiniling ni Paolo na sana ay pinanood muna ang buong usapan nila bago sila putaktehin ng pambabatikos.

“Sana lang, ‘pag nakakita sila ng ganun, They could watch the whole interview because pinag-usapan namin ni Alden ‘yun sobrang thankful si Alden sa ginawa ng Star Cinema para sa kaniya. He was thankful to Kathryn,” pahayag pa ni Paolo.

“I believe, nadala na naman tayo ng clickbait, and sadly, people got at me and Alden,” dagdag pa nito.

Samantala, binahagi naman ng isang tweeter user ang buong usapan nina Alden at Paolo upang linawin na walang intensyon ang dalawa sa mga binibintang ng mga bashers.

"Share lang natin yung mas mahabang clip

Paolo: Yung no.1 movie ng Star Cinema at ABS-CBN taga GMA yung artista

Alden: Sarap sa ears

Paolo: Hindi, eto ha fact di ba, of course you have Kathryn who is the biggest star of ABS-CBN but you also are a big star of GMA."

Hiling pa ni Paolo na sana ay tingnan muna ni Kathryn Bernardo ang buong interview nila ni Alden upang malaman nitong wala silang intensyon na i-offend ang Kapamilya actress.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo