Sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival noong kapaskuhan agad na nangunguna ang pelikula nina Vice Ganda at Ivanna Alawi na Partners in Crime sinundan ng Deleter, at Family Matters.
Subalit matapos ang gabi ng parangal kung saan humakot ng mga parangal ang pelikulang Deleter ni Nadine Lustre, agad na humabol ito at naunahan pa ang dating nangungunang Partners in Crime.
Ang pelikulang Deleter ang siyang nag-uwi sa mga major awards kagaya na lamang ng Best Actress para kay Nadine Lustre, Best Director para kay Mikhail Red, Best Pictures, Best Sound, Best Editing, Best Cinematography, and Best Visual Effects.
Ito ang itinuturong dahilan kung bakit nangunguna na ngayon ang Deleter. Tila marami sa mga viewers ang na-curious kung gaano ito kaganda na humakot ng mga awards.
Mula pa man noon ay talagang nangunguna ang pelikulang nag-uuwi ng maraming awards sa 'gabi ng parangal' dahil napag-uusapan ito.
Sa ngayon base sa unofficial grosses ng pelikula nangunguna na ang Deleter na may mahigit 126 million gross net. Sinundan ito ng Partners in Crime na may mahigit 106 million.
Mas dumarami na rin ang mga sinehang nagpapalabas ng Deleter sa ngayon na nasa 205 habang ang Partners in Crime ay nasa 132 cinemas lamang.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!