Ang award-winning na suspense thriller ng direktor na si Mikhail Red na "Deleter" ay hindi orihinal na inilaan para sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) nang magsimula ang kanilang filming ng pelikula noong July 2022.
“When we started filming, it was not in our plan to make ‘Deleter’ join the MMFF,” pag-amin ng Deleter lead star na si Nadine Lustre.
“Nakalutang pa rin kaming lahat up to now. Hindi pa rin siya nagsi-sink in. Ang dami pa ring nanonood. Ang dami ko pa ring nababasang positive tweets. Hindi pa rin ako makapaniwala,” dagdag pa nito.
Matapos ang opisyal na pagtatapos ng MMFF noong January 7, ang "Deleter" ay mapapanood pa rin sa iba pang mga sinehan sa buong bansa. Ang pelikula ay magkakaroon din ng world tour at ipapalabas sa ilang mga international festival.
Ang mga Pinoy na nakabase sa ibang bansa ay magkakaroon ng pagkakataong mapanood ang “Deleter”. Dahil ang Viva Films ay nag-iskedyul ng mga international screening at premiere.
Ang pinakamagandang bagay na pinahahalagahan ni Lustre sa "Deleter" ay talagang suportado ng madla ang kanyang pelikula. Sa ngayon, ito ang naging 2022 MMFF top grosser, at nalampasan ang comedy entry na “Partners in Crime,” kasama ang perennial film fest box-office winner na si Vice Ganda.
Samantala, hiling na Nadine na magkakaroon siya ng mas maraming projets sa taong 2023.
“My plan for this year was to really grind and get back into circulation,” Lustre added. “I don’t want to break the stride. I don’t want to break the momentum. Baka mawala pa. So habang nandiyan na ‘yan, tutuloy-tuluyin ko na. Sobrang excited akong mag-work. Sana more out-of-the-box projects."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!