Pokwang Hindi Makapaniwala Sa Itsura Ng Babaeng Ipinalit Sa Kanya Ng Ex-Husband Na Si Lee O'Brian!

Miyerkules, Enero 25, 2023

/ by Lovely


Napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang Showbiz Update Youtube Vlog ang aktres at komedyanteng si Pokwang.

Ipinahayag ni Ogie Diaz na tila ay nasanay na si Pokwang na mag-isang magpalaki ng mga anak. Noon pa man ay nakausap na umano niya si Pokwang at sinigurado nito sa kanya na okey na ito at sana'y nang magpalaki ng anak nang nag-iisa.

Bagama't nasanay na si Pokwang na magpalaki ng anak nang mag-isa, hindi naman nito tinatanggalan ng karapatan ang dating partner na si Lee O'brian na mahiram ang kanilang anak na si Malia.

Humirit naman si Mama Loi at tinanong kung bakit tila apektado pa rin si Pokwang sa hitsura ng ipinalit sa kanya ni Lee, kung totoong naka move on na siya. Matatandaang nag-rant si Pokwang sa kanyang IG stories at ibinahagi ang kanyang saloobin sa mas chakang dini-date ngayon ni Lee.

Siguro ay nainsulto lamang umano si Pokwang at mas gugustuhin pang mas maganda naman sa kanya kahit papaano ang ipinalit ni Lee.

Gayunpaman, wala na tayong pakialam sa kung sino man ang ipinalit ni Lee o kung ano man ang kaanyuhan nito dahil hindi naman natin siya kilala, ito ang pahayag ni Mama Loi.

Ayon naman kay Ogie, kilala niya si Pokwang at alam niya sa puso nito mas priority ang kanyang mga anak kaysa sa sinumang karelasyon nito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo