Pokwang, may hugot “Ginamit mo lang ako”!

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Lovely


Tila nagpapahayag ng isang hugot ang komedyanteng si Pokwang gamit ang kanta ni Moira Dela Torre sa kanyang Instagram stories.

Gamit ang isang mapanakit na kanta ni Moira Dela Torre na 'Ikaw at Sila'.

Sa nasabing post, makikita ang larawan ni Moira na naglalaman ng bahagi ng lyrics ng kanta na nagsasabing “ginamit mo lang ako.”

Sa caption sinulat ni Pokwang, "Grabe ka Moira" with crying emojis.

"That line na, ginamit mo lang ba ako," dagdag na caption ng komedyante.

Hindi naman, ipinahayag ni Pokwang kung sino ang tinutukoy nito sa kanyang post o di kaya ay nakarelate lamang siya sa kanta ni Moira Dela Torre.

Ilang araw na ang nakalipas, gumawa din si Pokwang ng isang cryptic post tungkol sa pag-delete ng ilang tao sa kanyang buhay, kahit na hindi niya sinabi o binigay man lang kung sino ang mga ito.

Gayunpaman, alam na ng mga netizens kung sino ang tinutukoy ng komedyante.

Kamakailan lang, nag-post siya sa IG Stories ng larawan nila kasama si Malia sa loob ng kotse. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo