Pokwang, Tinawag na Pakialamera ang Isang Netizen!

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Lovely


Hindi na nagtimpi pa si Pokwang ng okrayin ng isang basher ang larawan ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa mismong birthday nito.

Pinatulan ni Pokwang ang komento ng isang basher na siyang nang okray sa buhok ng kanyang anak sa larawang ibinahagi ng kanyang ex partner sa social media.

Nag-post ang kaniyang ex-partner at ama ni Malia na si Lee O’Brian ng litrato ng anak, at binati ito sa kaniyang kaarawan.

“Happiest of birthdays to you, my sweetheart @malia_obrian !! Wishing you a great day and it’s going to be a fun year ahead. I love you more than anything and I am SO proud of you!! Eat that cake!!!” caption ng ama, sa mga larawan ni Malia kung saan makikitang magulo ang buhok nito.

Hindi naman ito pinalampas ng isang basher at sinabing dapat hindi pinapataas ang buhok ng mga bata. Lalo na kung hindi marunong magsuklay o kung hindi naman sinusuklayan.

“Young kids shouldn’t have a long hair especially if it’s not tidy/comb neatly…”

Hindi naman nanahimik si Pokwang at rumesbak sa comment section.

“Dami mong alam! birthday ng bata wag kang maraming alam kahit di magsuklay yan maganda yan at wala ka non PAKIALAMERA!!!”

Maging ang ilang mga netizens ay kinuyog din ang basher dahil sa pang-ookray nito sa mismong birthday pa ng bata.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo