Sa isang press briefing, muling iginiit ni Department of Justice o DOJ secretary Jesus Crispin Remulla ang dating posisyon ng gobyerno na ang ICC ay may karapatang magsagawa lamang ng mga paglilitis sa mga estadong walang gumaganang gobyerno at sistema ng hustisya.
Ayon sa pinakahuling pahayag nito, “We are doing what it takes to fix the system. We have a functional judicial system and I don’t see where they can come in unless they want to take over our legal system and take over our country. I don’t see that happening.”
Kaya naman, tila magsasayang lang ng oras, pera at pagod ang ICC para habulin si Dating Pangulong Duterte.
Ayon sa pagbubunyag ni Atty. Harry Roque, walang pakialam si FPRRD kahit magsimula na ang imbestigasyon ng ICC matapos payagan ng pre-trial chamber ng International Criminal Court.
Matatandaan na hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas kaya wala itong epekto sa maaari nilang gawin bilang imbestigasyon. Hindi na ito kinikilala dahil ang ating hukuman ay gumagana sa bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!