Rayver Cruz, Pinaiyak Si Julie Anne San Jose

Sabado, Enero 28, 2023

/ by Jerome


 Kitang-kita kung gaano ka-mahal ni Rayver Cruz ang girlfiend nitong si Julie Anne San Jose.

Patuloy sa pagpapakilig ang dalawa at idinadaan din sa kanta ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa isat-isa. Kaya naman hindi na kinaya ni Julie Anne ang paglalambing sa kanya ni Rayver kaya napaiyak na ito sa sobrang saya dahil sa panghaharana sa kanya ng actor.

Mapapanood naman sa Instagram ng actor na tinawag niyang late night routine kung saan ay ibinahagi nito ang video nila ng dalaga.

Ipinasilip din niya sa kanilang mga fans ang video call kay Julie Ann na noon ay nasa kama na at naghahanda nang matulog.

Sobrang proud at bilib na bilib itong si Julie sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz, punong-puno ng lambing ang pagpapalitan nila ng mensaheng dalawa at ramdam kina Julie Anne at Rayver Cruz kung gaano nila kamahal ang isat-isa.

Dahilan kung bakit kinikilig pa lalo ang kanilang mga fans at labis ang saya ng mga ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo