Marami ang nalungkot sa pagkabigo ni Celeste Cortesi na maiuwi ang korona ng Miss Universe ng bansa ngayong taon. Nabigo si Celeste Cortesi na mapabilang sa top 16 na siyang dahilan ng maagang pagtatapos ng kanyang Miss Universe journey. Naputol na rin ang winning streak bansa mula noong 2010, kung saan palagi napapasama sa finalist sa Miss Universe ang pambato ng bansa.
Hindi man pinalad ang kandidata ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi na mapasama sa Top 16 ng Miss Universe 2022 coronation night na sinubaybayan ngayong Linggo ng umaga, Enero 15 (PST), natuwa na rin ang Pinoy pageant fans dahil isang half-Pinay ang nag-uwi at kinuronahan na si Miss USA R’Bonney Gabriel.
Mababasa sa iba’t ibang social media platforms na “safe pa rin daw magpa-parlor o magpa-salon” ngayon dahil at least, half-Pinay naman ang bagong Miss Universe.
“The Filipinos have at least a consolation to enjoy. With Miss USA being half-Filipina as stated. Still I’m happy for our Miss Philippines for representing our country. Maraming salamat sa iyo.”
“Well, well, well!!! Panalo pa rin pero half nga lang… congrats kina Ms. USA and Ms. Philippines!”
“Hindi masakit na natalo tayo dahil may dugong Pinoy naman pala si Miss Universe USA.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!